-- Advertisements --

Pinaplano na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang gagawin nitong hakbang para habulin ang mga “real estate scammers” kasama na rito ang mga illegal developers, bogus brokers at salespersons.

Sinabi ni Secretary Eduardo Del Rosario na ipinag-utos na nito sa lahat ng regional offices na balangkasin na ang kampanya para hulihin ang mga scammers.

Layunin ng naturang kampanya na hanapin ang mga developers, real estate brokers, at mga ahente na sangkot sa iligal na pagbebenta ng mga real estate properties.

Inatasan na rin ni Del Rosario ang ilang matataas na opisyal ng ahensya sa central office na pagtibayin ang pakikipagtulungan nito sa iba’t bang ahensya ng gobyerno, tulad ng Department of Justice (DOJ) at Department of Interior and Local Government (DILG) at iba pang partner-developers upang mas mapabilis pa ang kanilang gagawin.

Dagdag pa ni Del Rosario, daoat nang pigilan ang lalo pang pagdami ng mga ganitong iligal na gawain.

Umusbong kasi ang mga reports hinggil sa iligal na aktibidad ng mga unregistered developers at brokers sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa pamamagitan ng iba’t ibang social media platform ay naging laganap ang iligal na pagbebenta ng house and lot units.