-- Advertisements --
Pinag-aaralan ngayon ng Department of Foreign Affairs na itaas pa ang kasalukuyang alert level status ng ilang mga lugar sa Israel.
Ito ay sa gitna pa rin ng nagpapatuloy na labanan sa naturang bansa nang dahil na rin sa pakikipagsagupaan sa militanteng grupong Hamas kung saan tuluy-tuloy din ang pagpapakawala ng mga rocket attacks, at iba pa.
Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo De Vega, sa susunod na pakikipagpulong nila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay kanilang bubuksan ang usaping ito.
Kung maaalala, sa ngayon ay nananatiling nasa Alert Level 2 ng DFA ang Israel , habang may ilang kababayan na rin tayong umuwe na sa Pilipinas nang dahil pa rin sa naturang mga kaguluhan.