-- Advertisements --

Ipinaalala ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nananatili pa rin ang Alert Level 4 sa Myanmar, kaya lahat umano na mga Filipinos doon ay dapat na ilikas.

Sa inilabas na advisory ng DFA sinabi nito na ang Alert Level 4 status na noon pang May 6, 2021 ipinatupad ay dapat pa ring manatili hanggang ngayon upang maproteksiyunan ang mga OFW sa abroad.

Sa ngayon aniya patuloy ang pagtutuk ng DFA sa sitwasyon sa Myanmar at binabantayan ang ilang mga OFW na nananatili pa rin sa naturang magulong bansa na nasa ilalim pa rin ng military junta.

Iniulat ng DFA na mula ng maganap ang kudeta noong February 2021, ang gobyerno ng Pilipinas ay nakapaglikas na ng 701 na mga OFWs mula sa Myanmar na siyang 60 percent sa kabuuang bilang ng mga overseas Filipinos na nakabase doon.

-- Advertisement --