Nanawagan si Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin Jr. sa Department of Foreign Affairs (DFA) na himukin ang mga opisyal ng America na solusyunan ang tumataas na bilang ng kaso ng hate crimes laban sa mga Asians, lalo na sa mga Pilipino, sa Estados Unidos.
Sa isang statement, sinabi ni Garbin na nababahala siya sa kaligtasan ng mga Filipino migrant workers pati na rin sa mga miyembro ng Filipin-American communities sa US dahil sa mga napaulat na pag-atake laban sa mga Asians sa naturang bansa.
“I request the Department of Foreign Affairs to express to the United States authorities, through our embassy and consulates, the necessity of protecting our citizens and fellow Filipinos,” ani Garbin.
“We hope the DFA prods the authorities in the US to make sure future assaults are prevented and the person who attacked the lola is arrested and charged,” dagdag pa nito.
Ayon kay Garbin, dapat magpatupad ng epektibong response ang mga awtoridad sa US sa nangyayaring “racially-motivated hate crimes” kabilang na ang ugat ng mga ito.
Nauna nang pinayuhan ang mga Pinoy sa US na mag-ingat kasunod nang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng hate crimes doon.