-- Advertisements --
dEstinys child
Destiny’s Child/ FB image

Inaayos na ng sikat na female group na Destiny’s Child ang kanilang muling pagsasama-sama.

Inaasahan na sa 2020 ay magsisimula ang mga serye ng mga reunion tour at concert.

Binubuo ito nina Beyoncé, Kelly Rowland at Michelle Williams.

Sinasabing nais nilang gayahin ang muling pagsasama-sama ng grupong Spice Girls.

Mahigit 13 taon ng magkahiwalay ang grupo.

Ilan sa mga kantang pinasikat ng grupo ay “Survivor,” “Say My Name” at “Independent Women.”