-- Advertisements --

Nagsilang na ang actress na si Desiree del Valle sa unang pagkakataon.

Sa kaniyang social media ay ibinahagi ng 39-anyos na actress ang larawan ng bagong silang na baby boy nila ng asawang si Boom Labrusca.

Nitong Oktubre 4 ng isilang ng actress ang anak sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.

Pinangalanan nila ang anak na si Alexander Sebastian.