-- Advertisements --




Panauhin ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. si New Zealand Deputy Prime Minister at Foreign Minister Winston Peters sa Malakanyang kaninang hapon.

Nasa Pilipinas si Peters para talakayin ang pagpapalakas ng bilateral relations at kooperasyon sa iba’t ibang larangan.

Una nang inanunsyo ng Department of Foreign Affairs na papasok ang Pilipinas sa Visiting Forces Agreement sa New Zealand.

Bukod sa defense agreement, pakay rin nang pagbisita ni Peters ay may kinalaman sa kalakalan at pamumuhunan.

Matatandaang noong Abril ay bumisita na rin sa bansa si New Zealand Prime Minister Christopher Luxon kung saan pinag-usapan
nila ni PBBM na repasuhin ang bilateral migrant worker agreements para sa recruitment ng overseas Filipino workers.