-- Advertisements --

Naniniwala si Tourism Secretary Christina Frasco na mareresolba ng Department of Transportation ang problema sa usapin ng aviation at airlines sectors.

Malaki kasi ang maitutulong ng airline companies sa paglago ng ekonomiya kung saan sila ang magdadala ng mga lokal at foreign tourist sa bansa.

Handa aniyang makipagtulungan ang kaniyang opisina sa mga iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno para mapaghusayan ang airline at aviation sectors.

Pinatiyak na rin aniya sa kaniya ni Transportation Secretary Jaime Bautista na kaniyang aayusin ang mga usapin ng transportation para tuluyang mapaangat ang turismo sa bansa.