-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi na kailangang bumili ng mga kamiseta bilang alternatibong uniporme sa panahon ngayon na nakakaranas ng matinding init dahil ang mga guro at non-teaching personnel ay maaaring magsuot ng collared existing shirts ng anumang kulay.

Ayon kay DepEd Undersecretary at Spokesperson Michael Poa, sa inilabas na memo, bilang isang alternatibong uniporme, maaaring isuot ng mga guro ang DepEd collared shirts na mayroon na sila.

Gayundin, ipinaliwanag ni DepEd Assistant Secretary Francis Bringas na ang “DepEd shirts” ay hindi limitado sa mga may kaugnayan lamang sa national programs.

Ani Bringas, pinapayagan din ang mga ipinamahaging t-shirts sa iba’t ibang DepEd events sa mga paaralan, districts, divisions, at regions.