-- Advertisements --
Maglalabas ang Department of Education (DEPED) ng guidelines sa mga susunod na araw para mabawasan ang administrative load ng mga guro.
Ayon kay Education spokesperson Michael Poa na bahagi sa plano ng gobyerno ang magdagdag ng mga administrative personnel.
Ang nasabing hakbang aniya ay nabanggit na noon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kaniyang ikalawang State of the Nationa Address.
Sa kasalukuyan aniya ay napunan na ang 90 percent ng mga bagong gawang non-teaching jobs.
Magugunitang inireklamo ng ilang guro na marami silang mga admin work kaya kulang na ang kanilang panahon sa pagtuturo.










