-- Advertisements --

Magsasagawa ang Department of Education (DepEd) ng Learners’ Convergence o LearnCon PH 2023 mula July 29 hanggang August 3 sa Lungsod ng Marikina.

Layon ng nasabing pagpupulong ay para muling suriin o ,i-realign ang learner-realted initiatives para sa mga mag-aaral.

Ilulunsad din dito ang mga serbisyo ng DepEd alinsunod sa MATATAG Agenda ng kagarawan gaya ng pangalagaang mabuti ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtataguyod ng kapakanan ng mga ito, inklusibong edukasyon, at isang positibong kapaligiran sa pag-aaral.

Dadaluhan ito ng mga piling high school learners, youth leaders, formators at education stakeholders mula sa 228 schools division, offices sa National Capital Region.