-- Advertisements --
deped vp sara student
Vice president & DepEd Secretary Sara Duterte-Carpio

Inamin ng Department of Education (DepEd) na naging puno ng problema ang pagpapatupad ng kanilang mg programa sa gitna ng mga debate tungkol sa bisa ng mother tongue-based multilingual learning.

Ayon kay DepEd Chief Education Program Specialist Dr. Rosalina Villaneza, mayroong hindi pagkakatugma sa pagitan ng wikang ginagamit ng mga guro bilang medium ng pagtuturo at ang wikang ginagamit ng mga bata sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Sinabi ni Villaneza na ang mga guro na gumagamit ng kanilang sariling wika ay karaniwang nakatuon ang kanilang pagsisikap sa pagpapaunawa sa mga mag-aaral sa aralin kaysa unahin ang pagpapaunlad ng kasanayan sa pag-unawa ng mga mag-aaral.

Aniya, hindi na umano napagtutuuanan ng pansin ang development ng comprehension skills ng mga mag-aaral.

Sa kabilang banda, sinabi ni Basic Education Committee chairman Sen. Sherwin Gatchalian na ang pagpapatupad ng mother tongue program ay tila isang “eksperimento’.

Nabanggit niya na ang mga nakaraang pag-aaral sa pagiging epektibo ng mother tongue-based na pag-aaral ay ginawa sa mga bansang monolingual na kung saan karamihan sa populasyon ay nagsasalita ng isang wika.

Una nang ipinunto ng mambabatas na ang mga Pilipino ay multilingual.