-- Advertisements --
frasco

Puno ng pag-asa ang Department of Tourism (DOT) na ang City of Pines o Baguio ay mangunguna sa bansa tungo sa post-pandemic recovery.

Sa isang talumpati, sinabi ni ang Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco na pagkatapos ng tatlong taong pahinga dahil sa pandemya ng Covid19, oras na umano upang manumbalik ang turismo sa Baguio City.

Sinabi ni Frasco na mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nag-iisip ng pagbabago sa turismo ng Pilipinas.

Kaya naman, sinabi niya na maaasahan ng mga tao ang isang whole-of-government approach sa pagpapaunlad ng turismo, hindi lamang sa Baguio kundi sa iba pang rehiyon.

Kaugnay niyan, nagsimula ang Panagbenga Festival bilang isang pagsisikap ng komunidad na tulungan ang lungsod na makabangon mula sa mapanirang epekto ng magnitude 7.8 na lindol sa Luzon noong Hulyo 16, 1990.

Bukod dito, ang departamento umano ay nagtatrabaho para sa pagpapabuti ng lahat ng aspeto ng connectivity, kabilang ang land transportation, sa pakikipagtulungan ng mga local government units upang mapabuti ang pangkalahatang karanasan sa pagpunta sa mga tourism sites ng Pilipinas.