Suportado rin ng Department of Tourism (DOT) ang pagluluwag sa face mask mandate sa outdoors.
Ayon sa DOT, ang naturang hakbang ay magpapabilis sa pagrekober ng sektor ng turismo sa bansa.
Sinabi ni DOT Secretary Christina Frasco na nasa grave disadvantage ngayon ang bansa kayat kailangan na yakapin aniya ang mas maluwag na regulasyon gaya ng ginawa ng top ASEAN countries o Association of Southeast Asian Nations kung saan partially o totally lifetd na ang kanilang face mask mandates.
Binigyang diin din ni Frasco ang pagdami na ng tourist arrivals matapos na luwagan na ang mask mandates sa Asean countries maliban sa Indonesia makaraang bumaba ang kanilang naitatalang covid-19 cases kada araw.
Ayon pa kay Frasco ang pagluluwag sa restriksyon ay nagpadoble sa bilang ng mga travelers sa mga bansa.
Kung kayat kailangan aniya ng bansa na pag-inayuhin ang pagiging bukas at appeal nito bilang isang tourist destination para sa economic recovery.