-- Advertisements --
image 192

Nakikitang papalo pa sa 2.4 million ang overseas visitors arrivals sa Pilipinas sa katapusan ng kasalukuyang taon ayon sa pagtaya ng Department of Tourism (DOT).

Kaugnay nito, sinabi din ni Tourism chief Christina Frasco na pinalakas pa ng DOT ang kanilang efforts para sa pag-promote ng Pilipinas sa ibat’ ibang mga bansa para makamit ang nasabing projection.

Sa datos ng DOT noong November 14, umaabot sa mahigit 2.02 million visitors arrivals sa bansa kung saan nasa mahigit 1.4 million o 73.43% dito ay mga banyagang turista habang nasa mahigit kalahating milyon o 26.57% ay overseas Filipinos.

Ito ay sumasalamin sa P100.7 billion halaga ng revenue o kita sa sektor ng turismo.