-- Advertisements --
image 159

Tinyak ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mas maganda pa ang paghahatid nila ng serbisyo sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Kasunod na rin ito ng paglagda ng DSWDS ng isang memorandum of agreement (MOA) sa Save the Children foundation at EastWest Seed Foundation.

Tutulong ang Save the Children-Philippines sa pagpapalakas ng 4Ps Family Development Sessions, sa pamamagitan ng Parenting Program nito.

Partikular na magkakaloob ito ng trainers’ at facilitators’ training sa 4Ps key staff, upang mabigyan ng kapasidad ang mga ito sa pag-alalay sa mga magulang sa ilalim ng 4Ps.

Ito ay upang makapag-develop sila ng mga bata na may pambihirang potensyal.

Makakatuwang naman ng DSWD ang EastWest Seed Foundation sa pamamagitan ng VeggiEskwela Program nito.

Magbibigay ito ng skills development at technical know-how para sa community gardening.