-- Advertisements --
Screenshot 2019 06 20 18 57 40

Inanunsiyo ngayong araw lamang ng Department of Justice (DOJ) na magiging host ang bansa sa 21st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Senior Law Officials Meeting (ASLOM) ngayong taon.

Ang ika-21 na ASLOM ay ang unang in-person ASLOM meeting mula nang pumutok ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic noong 2020.

Ito ang ikalawang pagkakataon na magiging host ang bansa sa naturang meeting at ang una ay noong 1996.

Ang annual meeting ay itinatag at sinimulan noong 1985.

Ang 21st ASLOM ay isasagawa sa October 13 hanggang 14.

Magiging chair dito si Justice Usec. Brigido Dulay, habang ang Philippine delegation ay pangungunahan naman ni Chief State Counsel George Ortha II.

Iwe-welcome naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang mga delegado at magde-deliver ng opening remarks sa 21st ASLOM.

Dagdag ng DoJ, ang ASLOM ay magsisilbing forum para sa mga senior law officials mula sa ASEAN member states’ respective Ministries of Justice, kabilang na ang Attorney General’s Chambers para pag-usapan ang legal issues na may kinalaman sa common interest at ukol sa legal cooperation.

Layon din nitong i-promote ang objectives sa ASEAN Political-Security Community.