-- Advertisements --
image 151

Target ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na i-activate ang fiber connectivity project nito sa unang kalahati ng taon at maglunsad ng mas maraming libreng WiFi sites sa buong bansa sa gitna ng pagtaas ng digitalization ng ekonomiya.

Sinabi ni Information and Communication Undersecretary Anna Mae Lamentillo, na pinapataas nila ang digital infrastructure ng bansa sa pamamagitan ng mga programa at proyektong itinakda para sa kasalukuyang taon.

Target din ng ahensya na mag-set up ng libreng WiFi sites sa 9,762 public spaces at 162 state universities, colleges at Technical Education And Skills Development Authority Institutions.

Dagdag dito, kasama sa iba pang mga hakbangin ang pagtatayo ng dalawa pang data center para sa National Government Data Center.

Una rito, sinabi pa ni Lamentillo na nakipagpulong ang Pilipinas sa ilang mga bansa para sa mga hakbangin sa pagbabahagi ng kaalaman at iba pang mga proyekto upang mapabuti ang digital infrastructure at mga hakbang sa cybersecurity ng ating bansa.

Top