-- Advertisements --
Kinumpirma ng Department of Health na nakapagtala ito ng bagong kaso ng pagkamatay dahil sa Covid-19.
Ito’y sa kabila ng isinagawang proklamasyon ng World Health Organization na tapos na ang global health emergency na dulot ng naturang virus.
Batay sa datos ng ahensya, umabot sa 9 na katao ang nasawi habang umabot naman sa kabuuang 1,878 ang mga bagong bilang ng nagpositibo sa covid-19.
Pumalo naman sa 735 ang newsrecoveries, at 10,185 ang active na kaso ng covid sa bansa.
Nakalagay din sa datos na umabot na sa 4,100,868 ang naitalang nahawahan ng covid habang sumirit na sa 66,453 ang mga namatay.
Sa kabilang banda, umabot naman sa 4,024,220 ang bilang ng mga gumaling sa naturang virus.