-- Advertisements --
doh 1

Inihayag ng Department of Health na nakapagtala ang Pilipinas ng 121 na bagong kaso ng COVID-19 kaya umabot na sa 9,230 ang aktibong bilang nito.

Ang mga datos mula sa Department of Health ay nagpapakita na ang mga bagong impeksyon ay nagtulak sa bilang ng kaso sa buong bansa na 4,076,418.

Ang National Capital Region ang may pinakamataas na bilang ng bagong impeksyon sa nakalipas na dalawang linggo na may 433, sinundan ng Davao Region na may 235, Calabarzon na may 180, Soccsksargen na may 97, at Western Visayas na may 83.

Dagdag dito, ang bilang naman ng mga taong gumaling o naka-recover na mula sa nakamamatay na sakit ay 4,001,070, habang ang bilang ng mga nasawi ay tumaas sa 66,118 katao.

Sa ngayon, ang kabuuang bilang ng nabakunahan na ay humigit-kumulang 73.8 milyong mga Pilipino.