-- Advertisements --
doh 1

Nakapatala lamang ang Department of Health (DoH) ng 251 na mga bagong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito na ang ika-limang araw na mas mababa sa 300 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang active tally naman ay bumaba sa 10,863 mula sa dating 11,031.

Umabot naman ang nationwide caseload sa 4,071,151, base sa pinakahuling data ng kagawaran.

Umabot naman ang recovery tally sa 3,994,634.

Umakyat na rin sa 65,654 ang kabuuang bilang ng mga namatay matapos itong madagdagan ng 17 na bagong fatalities.

Sa nakalipas namang dalawang linggo, ang National Capital Region (NCR) ang nananatiling mayroong pinakamaraming kaso na papalo sa 1,626.

Sinundan ito ng Calabarzon na mayroong 812, Central Luzon na may 414, Cagayan Valley na may 336 at Western Visayas na may 279.