-- Advertisements --
image 25

Bumuo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng task force para i-secure ang marine protected areas na maaaring maapektuhan ng oil spill mula sa motor tanker na may dalang 800,000 liters ng industrial fuel oil na lumubog sa Naujan, Oriental Mindoro.

Sa isang pahayag, sinabi ng departamento na nilikha nila ang “Task Force Naujan Oil Spill” matapos itong magsagawa ng emergency meeting kasama ang Philippine Coast Guard, Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor, at Naujan Mayor Henry Joel Teves.

Itinalaga bilang task force commander si Department of Environment and Natural Resources Undersecretary at chief of staff Marilou Erni, na nagsilbi bilang corporate ground response coordinator noong Guimaras oil spill noong 2006.

Sinabi naman ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na binabantayan na nito ang oil spill mula sa MT Princess Empress na ngayon ay tuluyan nang lumubog.

Dagdag dito, inihayag ng Philippine Coast Guard na lumawak na sa anim na kilometro ang haba at apat na kilometro ang lapad ng naturang oil spill.

Una na rito, ang Department of Environment and Natural Resources sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard at Philippine Air Force, ay magsasagawa rin ng aerial surveillance sa mga susunod na araw para mas masuri ang sitwasyon sa karagatan