Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources na hindi makakaranas ng water service interruption ang mga buong Metro Manila hanggang sa pagtatapos ng buwan ng Abril.
Ito ay matapos na mapagkasunduan ng naturang ahensya at ng attached agency nito na National Water Resources Board na magbawas sa water allocation simula Abril 16 upang matiyak na mapapanatili sa 195 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Ayon kay Environment Undersecretary Carlos David, mayroon silang itinakdang “checkpoint” sa water level ng Angat Dam Kung saan sa tuwing Mas mataas aniya sa 195meters ang lebel ng tubig dito ay hindi sila magbabawas ng water allocation, ngunit Kung bumaba naman sa 195 meters ang water elevation ay atsaka sila magbabawas ng water allocation Para sa Metro Manila.
Kung maaalala, ang NWRB ang siyang namamahala sa alokasyon ng tubig mula sa Angat Dam na nagsusuplay naman sa mahigit 90% ng pitiable water sa Metro Manila, gayundin dito sa tubig na ginagamait Para sa irigasyon ng nasa 25,000 hectares na mga sakahan sa Bulacan at Pampanga.