-- Advertisements --
image 232

Nilinaw NG DENR na ang lahat ng 22 reclamation projects sa Manila Bay ay pansamantalang suspendido.

Ang pahayag ni DENR Sec. Antonia Yulo-Loyzaga ay kasunod ng pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na lahat maliban sa isang reclamation project ay nasuspinde.

Sinabi ni Loyzaga na sa paglilinaw sa Pangulo, lahat ng mga proyekto ay nasa ilalim ng pagsusuri, na kung saan ang ibig sabihin, lahat NG nasabing proyekto ay suspendido.

Aniya, susuriin ng kanilang departamento ang mga isinasagawang reclamation Pati na ang mga hindi pa nagsisimula.

Nang tanungin kung gaano katagal masususpinde ang mga proyektong ito, sinabi ni Loyzaga na depende ito sa resulta ng cumulative impact assessment.

Dagdag pa ng opisyal na ang scientific team lalahok sa pagsusuri ay Masayo’s at mabubuo na ngayong buwan.

At Kung magsasama sama na aniya ang miyembro ng nasabing grupo, lilikha ito NG program of work na nauukol sa pagsusuri sa mga reclamation projects.

Sinabi ni Loyzaga na hindi magiging simple ang proseso, dahil kinabibilangan nito ang maraming disiplina, kabilang ang mga physical scientist, oceanographer, geologist, social scientist, at marami pang ibang siyentipiko.