May ginagawang hakbang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para masigurong magiging sapat ang suplay ng tubig sa bansa ngayong ramdam na ang tag-init.
Ayon kay DENR Secretary Jim Sampulna na ang National Water Resources Board (NWRB) na nasa ilalim ng kanyang tanggapan ay may ginagawa nang pakikipag-ugnayan sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), mga water concessioners, National Irrigation Administration (NIA), maging sa mga samahan ng magsasaka para mapangalagaan ang suplay ng tubig na nanggagaling sa Angat Dam.
Opsyon din nito na makakuha ng iba pang water sources gaya ng deep well, water treatment facility sa Laguna Lake, Marikina River, at maging sa Cavite.
Makatutulong din sabi ng kalihim ang cloud seeding sa pagkakaroon ng ulan na ang target na mabuhusan ay ang Angat Dam.
Napag-alaman na may inilabas na noong March 2020 si Pangulong Rodrigo Duterte na Administrative Order 24 na dito ay inuutusan ang lahat ng government-owned and controlled corporations (GOCCs) at state universities and colleges na iobserba ang mahigpit na water conservation.
Hinikayat din ni Sampulna ang publiko na maging responsable sa paggamit ng tubig at i-praktis na din ang pagre-recycle nito.
Top