-- Advertisements --

Nakatuon sa pagtatatag ng National Natural Resources Geopistal Database office ang isinagawang sectoral meeting na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaninang umaga sa Palasyo ng Malakanyang.

Ito ay isang mapping tool na gagamitin sa pagtukoy sa mga lugar at pangasiwaan ang kagubatan, pamamahala sa watershed at mining policies.

Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang siyang mangunguna sa pag-managed sa nasabing opisina.

Ayon kay Environment Secretary Maria Antonina Yulo- Loyzaga na mahalaga na i-managed ang natural resources ng bansa sa pamamagitan ng pagtatag ng physical baseline ng sa gayon maging accounted ito.

Sinabi ni Loyzaga na ang geopistal database ay gumagamit ng mga satellite imagery para matukoy ang reforestation area at kung saan pwede ilagay ang mga water systems at mga imprastraktura.

Binigyang-diin ng Kalihim na mahalaga na maprotektahan ang kagubatan ng bansa dahil malaking tulong ito sa climate change mitigation.

Ang pagpapanatili ng ating kagubatan ay may kaakibat itong social and economic component, ibig sabihin may mga kababayan tayong nagkakaroon ng kabuhayan.

“So, what this will do for us is it will allow us to identify saan ba ang priority in terms of forestation, reforestation, or where should be the water systems and infrastructure na dapat po ilagay natin in order to reach the most populations in need. Aside po sa forest and water, we’re looking also at land management. May mga foreshore lease ba diyan na hindi na ginagamit for the purpose na they were established for, puwede ba iyang gamitin sa ibang purpose, for example. And of course, our mineral resources na dati nang minamapa, pero ngayon po, we’re looking at the situation of the mineral resources given certain other data,” pahayag ni Sec. Yulo-Loyzada