-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Tumaas ng 490-porsiento ang mga naitalang kaso ng dengue dito sa lungsod ng Butuan ngayong taon kumpara sa naitala nitong nakalipas na taong 2021.
Inihayag ito ni Michiko de Jesus, tgapagsalita ng Butuan City government dahil mula sa 83 lamang na mga kaso nitong nakalipas na taon ay umabot ito ngayon sa 490 kaso base sa datus ng City Health Office, mula Enero nitong taon hanggang sa kasalukuyan.
Sa nasabing bilang, 266 sa mga ito ay lalaki at 224 ang mga babae na nasa edad na 78-anyos pababa kungsaan pinakamarami nito ay nasa age bracket na 10-anyos pabana na sinundan ng 11 hanggang 20-anyos.
Nakapagtala din sila ng dalawang namatay sa naturang sakit nitong taon mula sa Brgy. Doongan at San Mateo.