Humingi ng paumanhin si California congresswoman Katie Hill kasabay nang pag-anunsyo nitong pagbibitiw sa kaniyang panunungkulan sa kabila ng mga naglabasang alegasyon laban dito.
Kamakailan lamang ay naglunsad ang House ethics committee ng imbestigasyon laban kay Hill dahil sa di-umano’y pagkakaroon nito ng sexual relationship sa kaniyang legislative director na si Graham Kelly.
“It is with a broken heart that today I announce my resignation from Congress,” saad ni Hill, 32, sa kaniyang resignation letter. “This is the hardest thing I have ever had to do, but I believe it is the best thing for my constituents, my community, and our country.”
Posible umano na nilabag ni Hill ang House rule kung saan striktong ipinagbabawal ang pagkakaroon ng relasyon sa pagitan ng miyembro ng Congress at mga empleyado nito.
Iginiit ni Hill na wala siyang relasyon kay Kelly ngunit inamin niya na isang babaeng staff mula sa kanilang congressional campaign. Aminado naman si Hill na mali ang kaniyang ginawa.
Ang nasabing mambabatas ay bisexual at isa sa kaniyang mga adbokasiya ay ang LGBTQ equality sa Washington.
Ipinatupad ng Kongreso ang naturang patakaran kasabay #MeToo movement noong 2018 ngunit hindi nito sakop ang campaign aides.