-- Advertisements --

Nakuha ni Ousmane Dembélé ng Paris Saint-Germain ang Ballon d’Or award.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon niya na makuha ang awards sa 69th edition na ginanapa sa Théâtre du Châtelet sa Paris.

Naging susi si Dembele para mangibabaw ang koponan at makuha ang kampeonato sa Champions League, Ligue 1 at French Cup titles.

Ang 28-anyos na si Dembele ay naglaro sa 29 league games na mayroong 21 times score habang sa Champions League ay nagtal aito ng walong goals, isang assist sa loob ng 15 laro.

Habang sa ikatlong pagkakataon ay nasungkit muli ni Aitana Bonmatí ng Barcelona ang Ballon d’Or Féminin.

Ang 27-anyos na si Bonmati ay midfielder kung saan dominado nito ang football sa mga nagdaang taon.

Ang nasabing award ay ibinibigay sa mga magagaling na football player sa Europa sa pamamagitan ng pagbobotohan.