-- Advertisements --

Ikinadismaya ni Agriculture Sec. William Dar ang umano’y delayed na pag-uulat ng suspected case ng African Swine fever (ASF) noon, na naging dahilan daw ng pagkalat nito sa mga alagang baboy.

Hindi ikinatuwa ng kalihim ang tila kawalan ng aksyon ng mga dating opisyal sa kabila ng mga naitalang ulat noong hinggil sa pinaghihinalaang presensya ng sakit.

Nabatid ni Sec. Dar na walang mga dokumento ang Department of Agriculture hinggil sa mga obserbasyon noong Mayo at Hulyo.

“They did not even report in early July that there have been observations. I knew there were observations that there is ASF in the country. I just don’t see the documents by the DA,” ani Dar.

“As early as May, they said there have been observations, but I don’t know whether they just elevated the preventive and quarantine measures.”

Batay sa record ng World Organization for Animal Health, noong July 25 pa nai-report ang ASF outbreak sa bansa.

Pero ayon sa kalihim, isang linggo matapos ang kanyang pagkakatalaga sa DA noong Agosto lang sinabi sa kanya ang ulat.