-- Advertisements --

Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kahit ano pang kulay o paniniwala basta’t tumutulong ay susuportahan ito ng Department of National Defense.

Ang pahayag na ito ni Lorenzana ay kaugnay ng kontrobersya sa mga community pantry na nagsulputan sa iba’t ibang lugar para mangalap at mamamahagi ng pagkain para sa mga nangangailangan.

Ayon kay Lorenzana, “kindness is everyone’s color” at handa din ang DND na tumulong sa mga community pantry sa pamamagitan ng pagpapadala ng “AFP mobile kitchen”, kung ire-request ng DILG o ng mga LGU.

Uminit ang kontrobersya sa mga community pantry matapos makunan ng video ng isang TV network ang pamamahagi ng anti-government propaganda sa mga nakapila para kumuha ng pagkain sa community pantry.

Nagpahayag naman ng pangamba ang National Task Force To End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na posibleng nagagamit ng ilang mga grupo ang community pantry para sa kanilang sariling agenda.