-- Advertisements --

Abanse na sa finals ng FIFA World Cup 2026 ang Argentina matapos na talunin ang England 2-1.

Unang nakapagtala ng goal ang England sa pamamagitan ni Lautaro Martinez subalit hindi na nila ito naulit dahil sa higpit na depensa ng Argentina.

Itinuturing na bayani ng Argentina si Enzo Fernandez ng maipasok nito ang goal para maitabla sa 1-1 sa laro na ginanap sa Mercedes-Benz Stadium sa Atlanta, Georgia.

Naipasok naman ni Lautaro Martinez ang winning goal sa ilang minutong natitira ng second half.

Hindi naman nakapagtala ng goal si Lionel Messi para sa Argentina subalit hinangaan siya sa ipinakita nitong depensa laban sa England.

Dahil dito ay idedepensa ng Argentina ang kanilang titulo sa finals laban sa Spain sa araw ng Linggo habang ang England ay makakaharap ang France para sa third-place.