Tinalo ng France ang Australia 4-1 sa Group D ng FIFA World Cup na ginanap sa Qatar.
Unang nakapagtala ng gola si Craig Goodwin ng Australia sa loob ng ika-siyam na minuto.
Pagsapit naman ng 26 minuto ay agad na sumagot ang France sa pamamagitan ni Adrien Rabiot.
Matapos ang limang minuto ay naipasok ng striker ng Oliver Giroud ang goal na nagbigay sa kanilang ng 2-1 na kalamanga.
Pagpasok ng 2nd half ay dominado ng France ang laro.
Matapos ang ilang pagtatangka ay naipasok na rin ni French forward Kylian Mbappé sa loob ng 67 minuto ng laro para maitala ang 3-1 na kalamangan.
Muling nakapasok ang goal ni Giroud pagkatapos ng tatlong minuto para mapahaba ang kalamangan sa 4-1.
Noong 2018 World Cup kasi ay walang puntos na naitala si Giroud kaya parang nakabawi ito ngayong taon na nagtala ng 2 goals.
Kahanay na niya si Thierry Henry na naging all-time goalscorer ng France sa kabuuang 51.
Dahil sa tatlong puntos na panalo ay nasa unang puwesto na ang France sa Group D.
Magugunitang nagkampeon ang France noong 2018 World Cup ng talunin nila ang Croatia sa score na 4-2 na ginanap sa Russia.










