-- Advertisements --

DAVAO CITY – Makulay at masaya ang ika-18 na kaarawan ni Veronica “Kitty” Duterte sa isang hotel nitong lungsod kung saan naging highlight nito ang kanyang pagsayaw kung saan kanyang ka-partner ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Suot ni Kitty ang red at gold gown na ginawa ng sikat na fashion designer na si Mak Tumang.

Kung maalala, si Tumang ang gumawa ng mga gown ng kilalang mga celebrities at beauty queens gaya ni Ms Universe 2018 Catriona Gray.

Nagbigay naman ng kanyang wish ang kanyang half brother na si Vice Mayor at acting mayor Sebastian “Baste” Duterte kasabay ng pagsabi na hindi niya itinuturing na half sister si Kitty kung hindi totoo na niyang kapatid.

Umaasa rin si Baste na magiging abogado rin si Kitty sa darating na panahon.

Ilan sa mga kilalang personalidad na dumalo sa party ay kinabibilangan nina dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, Pastor Apollo C. Quiboloy, dating senator Manny Villar, at senator Cynthia Villa at marami pa.

Si Kitty ay anak ng kasalukuyang asawa ni Pangulong Duterte na si Honeylet Avanceña.