LES CAYES, Haiti — Umakyat na sa 724 ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 7.2 na lindol sa Haiti.
Patuloy namang nag-iikot ang mga awtoridad para maghanap ng mga survivors matapos na ilang buildings ang gumuho sa Carribean nation.
Ilang mga simbahan, paaralan, gusali at bahay ang nasira sa lindol na nangyari 100 miles sa kanluran ng Port-au-Prince.
Sa ngayon, 2,800 ang bilang ng mga sugatan, ayon sa civil protection agency ng bansa.
Pinakamalaki at maraming pinsala ang naitala sa sentro ng lungsod ng Jeremie, na mayroong 200,000 na populasyon.
Malaki rin ang pinsala na naitala sa lungsod ng Les Cayes, kabilang na ang gumuhong multi-story hotel.
Sa harap ng pangamba sa maraming aftershocks, halos lahat ng mga residente sa lungsod ang natulog sa labas ng kanilang bahay.
Kaagad namang nagpahayag ng tulong si US President Joe Biden para sa mga apektadong mamamayan.
Nagpadala na si USAID head Samantha Power ng urban search and rescue team para tumulong sa earthquake disaster response team sa Haiti.
















