-- Advertisements --
Umakyat na sa kabuuang 2,645 ang bilang ng mga nasawi sa magkasunod na malalakas na lindol na tumama sa Venezuela, ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng mga awtoridad nitong Biyernes (Sabado sa Pilipinas).
Mahigit nasa 12,600 katao na rin ang nasugatan habang libu-libo pa ang nananatiling nawawala.
Magugunitang tumama ang magnitude 7.2 na lindol noong Hunyo 24 sinundan ng 7.5 na lindol na puminsala sa ilang imprastuktura sa bansa.
Pinakamalaki ang pinsalang naitala sa baybaying lalawigan ng La Guaira, sa hilaga ng kabisera ng Caracas, kung saan gumuho ang dose-dosenang apartment buildings at iba pang imprastraktura.
Patuloy ang search and rescue operations ng mga awtoridad habang sinisikap nilang matunton ang mga nawawalang residente.












