-- Advertisements --
image 422

Inihayag ng Department of Information and Communications Technology na may kabuuang 55 milyong Subscriber Identity Modules o SIM card ang na-deactivate matapos opisyal na magwakas ang pinalawig na pagpaparehistro nito.

Ayon kay DICT Sec. Ivan John Uy, karamihan sa mga deactivated ay ang mga non revenue SIM cards na ang ibig sabihin, ay actiive ngunit bihira lang magamit ng kasalukuyang subscriber.

Ipinaliwanag ni Uy na ang mga user na nakaligtaan ang deadline ay nawalan ng kabuuang koneksyon sa mga pagtawag, data, at e-wallet.

Binigyang-diin ni Uy na ang mga un-egistered SIM ay“makakatanggap pa rin ng short message service at ito ay dahil binibigyan sila ng palugit na limang araw upang mahabol pa rin ang mga nabigong gawin itong noong mga nakaraang buwan.

Ipinunto din ni Uy na sa loob ng limang araw, maaari pa ring i-activate ng mga user ang kanilang mga hindi rehistradong SIM cards.

Kapag nabigong muling iactivate ang SIM card, tuluyan na aniya itong madedeactivate at mawawalan n ng access ang mga subscribers.

Top