Nagpahayag ng pasasalamat ang kampo ni Senator Leila De Lima sa ginawang pagbawi ni dating Bureau of Corrections officer-in-charge Rafael Ragos sa kanyang mga alegasyon laban sa senadora.
Sa isang statement na sinulat mismo ni De Lima mula sa kanyang detention cell ay sinabi niyang hindi niya inaasahan ang naging hakbang na ito ni Ragos kung saan ay kinakailangan ng sapat na lakas ng loob at
Ipinagpasalamat din ng senadora ang ginawang pagkilala ng dating BuCor official sa mga taong nagsabwatan upang sirain ang kanyang magandang reputasyon at ilagay siya sa likod ng mga rehas ng kulungan.
Aniya, ang matapang na naging pahayag na ito ni Ragos ay kinakailangan ng sapat na lakas ng loob at konsensiya upang aminin ang kasinungalinang una na nitong naging pahayag laban sa isang inosenteng tao.
Ayon kay De Lima, ang paglabas umano ng pangalan ni former Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa affidavit of retraction ni Ragos ay hindi na nakakagulat pa.
Matagal na raw niyang pinagsususpetiyahan na may nalalaman ang DOJ Panel of Prosecutors o ilan sa kanila na nagsisinungaling lamang si Ragos sa kanyang naging testimonya at ang ginawa niyang pagbawi ngayon ay nagpapatunay lamang na sila ay guilty sa suborning false testimony.
Si Aguirre ang itinuturo ni Ragos na pumilit umano sa kanya na tumestigo at paratangan ng maling akusasyon si De Lima.
Samantala, umaasa naman ang senadora na mapagtatanto ng publiko na ang mga kasong isinampa laban sa kanya ng DOJ ay produkto ng matagal nang pagsasabwatan na nagsimula pa noong September 2016.
Kasalukuyang naka-detain ngayon si De Lima sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame sa Quezon City simula pa noong taong 2017.