-- Advertisements --

Matagumpay na naidepensa Gervonta Davis ang kaniyang WBA interim lightweight title matapos talunin si Rolly Romero.

Pinahinto na ng referee ang laban sa gitna ng ika-anim na round sa boxing match na ginanap sa Barclay’s Center sa Brooklyn, New York.

Sa simula pa lamang ng laban ay nakipagsabayan ng suntok sa Romero kay Davis.

Pagpasok ng ikalawang round ay naging agresibo ito sa suntok at combination hanggang matamaan ni Davis ang kaniyang ulo.

Natumba sa ika-anim na round si Romero hanggang ipinilit nitong tumayo subalit nakita ng referee na hirap na ito kaya inihinto na ang laban sa natitirang 2:39 na oras ng nasabing round.

Dahil sa panalo ay mayroong perpektong record si Davis na 27 panalo at walang talo na mayroong 25 knockouts habang si Romero ay natikmang ang unang pagkatalo na mayroong 14 panalo at isang talo na mayroong 12 knockouts.