DAVAO CITY – Kabuuang 3,810 confirmed cases ng Human Immunodeficiency Virus infection and Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV/AIDS) ang naitala ng Davao city.
Ito ay batay sa report ng Reproductive Health and Wellness Center (RHWC) mula noong 1993 hanggang Enero nitong taong kasalukuyan, kung saan kasali na dito ang mga namatay habang sumailalom sa pag-gamot.
Inihayag ni RHWC head physician Dr. Jordana Remiterre nangunguna sa listahan sa dahilan nga transmission ay ang pakikipagtalik ng mga lalaki sa mga lalaki.
Mayroon lamang tatlong bagay ng transmission ng HIV/AIDS na kinabibilangan ng blood transmission, mother-to-child transmission, at ang hindi kigtas na pakikipagtalik, pero sa naturang tatlo ang pakikipagtalik pa rin umano ang nangunguna na dahilan ng transmisison.
Dagdag pa ni Ramiterre na pangunahing dahilan rin ng mataas na detection ng mga kaso ay ang pagbubukas ng community-based testing centers kukng saan marami ang pweding magkaroon ng access sa HIV/AIDS services.
Samantala kinumpirma rin ni Dr Remiterre na aabot ng 5,256 ang total number of cases ng HIV/AIDS sa buong Davao Region sa magkahalintulad na panahon.