-- Advertisements --

Niyanig ng 4.5 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao.

Naranasan ito kaninang alas-5:45 ng umaga.

Natukoy ang epicenter sa layong 96 km sa timog silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental.

May lalim itong 111 km at tectonic ang pinagmulan.

Wala namang naitalang pinsala at wala ring inaasahang aftershocks mula sa naturang lindol.