-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Davao Occidental.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang pagyanig 12:10 umaga ng Sabado.

May lalim ito ng 143 kilometers northeast ng bayan ng Jose Abad Santos.

Naranasan naman ang intensity 3 sa Alabel at Kiamba sa Saranggani province at General Santos city sa South Cotabato.

Naitala din ang magnitude 2 sa Tupi, South Cotabato.