DAVAO CITY – Dahil sa nakaka-alarmang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa lalawigan ng Davao del Norte ang dahilan kung bakit ibinalik ang lugar sa general community quarantine mula sa modified GCQ simula kahapon hanggang Hunyo 10, 2021 hanggang Hunyo 30, 2021.
Sa inilabas na Executive Order 26 ni Governor Edwin I. Jubahib nabatid na kailangan na isailalim ulit ang probinsiya sa GCQ dahil sa bagong bilang ng COVID-19 infections sa probinsiya at mga katabing lugar sa Davao region.
Sa pamamagitan ng nasabing hakbang ay maaaring mapigilan ang pagtaas pa lalo ng bilang ng mga tinatamaan ng virus.
Inutusan na rin ng gobernador ang mga residente sa lalawigan na sumunod sa curfew hours na magsisimula ng alas-9:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga maliban lamang sa mga COVID-19 Crisis Management and Response Team, emergency vehicles, health workers, at iba pang mga indibidwal na may trabaho.
Mahigpit rin na ipinatupad ngayon sa lalawigan ang Liquor ban na magsisimula ng alas sais ng gabi hanggang alas nuebe ng umaga.
Tututokan rin nila ang galaw ng mga tao para matiyak na essential o mahalaga ang mga lakad nito.










