-- Advertisements --

DAVAO CITY – Muling nagpa-alala ang Davao City COVID-19 Task Force sa mga Dabawenyos sa kahalagahan ng pagpapabakuna at pagpapa-booster matapus muling naitala ang tatlo ka indibiduwal na namatay na hiundi bakunado dahil sa COVDI 19.

Inihayag ni Dr. Michelle Schlosser, spokesperson ng Davao City COVID-19 Task Force, dalawa sa tatlong namatay mga senior citizens na hindi bakunado.

Nakaranas ang mga biktima ng severe type ng COVID 19 at dahil hindi sila bakunado hindi sila protektado laban sa nakamamatay na sakit.

Dahil dito, muling nilinaw ng opisyal ang importansiya ng anti covid 19 vaccine dahil hindi maiiwasan na mahawaan ng sakit lalo na at nasa ilalim ng Alert Level 1 status sa loob ng mahigit dalawang bulan kung saan wala nang mga restrictions sa interzonal at intrazonal travel; at bukas na ang lahat ng mga establisamento at mga opisina.

Samantala naitala na ang mahigit 1.3 milyon ang mga fully vaccinated Dabawenyos, pero aabot lamang ng 4.91% ang nakakuha ng kanilang second booster shots.