Pumanaw na ang dating TGIS actor na si Red Sternberg sa edad na 50-taong gulang noong Martes, Mayo 27, kinumpirma ito ng kanyang asawang si Sandy sa isang Facebook post ngayong Biyernes.
Si Red, na sa tunay na buhay ay Rodwick, ay magdiriwang sana ng kanyang ika-51 kaarawan ngayong araw, Mayo 30.
‘It is hard to find the words… This has been the most difficult time I have ever gone through my whole life,’ ani Sandy, sabay banggit na ang buwan ng Mayo ay mahalaga sa kanilang pamilya dahil sa nagdaang sunod-sunod na kaarawan sa kanilang pamilya.
Maaalalang kinilala si Red bilang “Kiko” sa sikat na youth-oriented show noong dekada ‘90, kung saan nakasama niya sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, at Rica Paralejo.
Hindi naman ibinahagi ng pamilya ang sanhi ng kanyang pagpanaw, at humiling sila ng privacy habang dumadaan sa pagluluksa.
‘Please keep our family in your thoughts and prayers,’ dagdag ni Sandy.
Samantla wala pang inilalabas na detalye ukol sa memorial service ng dating aktor.