Tutuloy pa rin daw ngayong araw si dating Sen. Leila de Lima sa pagdalo ng hearing ng mga kinahaharap nitong drug charges.
Ito ay kahit pa katatapos lamang ng hostage taking kahapon na naglagay sa kanyang buhay sa alanganin.
Aang pangho-hostage sa kanya sa Custodial Center ng Philippine National Police (PNP).
Sa isang advisory, sinabi ng kampo ni De Lima na dadalo ito sa pagdinig ng Regional Trial Court (RTC) Branch 256 sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) na naka-schedule dakong ala-1:30 mamayang hapon.
Kahapon nang ihayag ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na naging hostage panandalian si de Lima ng tatlong persons under police custody (PUPC) na sinusubukan daw tumakas sa Custodial Center.
Ang tatlo ay napatay ng PNP at sila ay kinilalang sina Arnel Cabintoy, Idang Susukan at Feliciano Sulayao Jr. Sulayao.
Sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos na nag-demand daw ang PUPCs ng helicopter at hammer at iba pang mga items para makatakas sa piitan.