DAVAO CITY – Himas rehas na ngayon ang isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group matapos na nahuli dahil sa kasong attempted murder.
Napag-alaman na ang suspek ay dating miyembro ng CTG ilalim ng Guerrilla Front 33, Southern Mindanao Regional Committee.
Sa impormasyong inilabas ng otoridad, kinilala itong si Vergelio Balesanto alyas “GORIO/GREGIE”, 59 anyos, at residente ng Brgy. New Sibunga, Nabunturan, Davao de Oro.
Aabot naman sa P72,000.00 ang inerekomendang pyansa para sa temporaryo nitong kalayaan.
Kung maalala, mahigpit ang pagsasagawa ngayon ng kapulisan ng ibat-ibang programa gaya na lamang ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) upang mahuli ang mga kriminal na patuloy pa ring nagtatago sa kamay ng batas.