-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kinilala na ng Special Investigation Task Force Plaza ang sampumg mga suspect sa pagpatay negosyante at modelong si Yvonnette Chua Plaza.

Sa naturang bilang, pito nito ang pawang mga sundalo kasali na dito si 1001st Infantry Brigade Commander Brig. General Jesus Durante III nga siyang tinuturong utak o mastermind sa krimen.

Kinilala ang iba pang mga suspect na sila Col. Michael Licyayo, Deputy Brigade Commander ng 1001st Infranty Brigade, SSg Gilbert Plaza, Sgt. Delfin Sialsa Jr., Cpl Adrian Cachero, Private First Class Rolly Cabal, PFC Romart Longakit, mga sibilyan na sila Noel Japitan, alyas Jr at ang escort ni BGeneral Durante na si alyas Master Sergeant.

Sinampahan na rin ng mga kasong murder, theft, at Obstruction of Juctice ang mga suspect.

-- Advertisement --

Inihayag ni PRO XI Regional Director PBGen. Benjamin Silo Jr. na Crime of passion ang pangunahing motibo sa krimen.

Matatandaan na binaril – patay ang negosyante at modelong si Yvonnette noong Disyembre 27, 2022 sa Green Meadows Subdivision, Tugbok District Davao City.