-- Advertisements --
Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na nakatakda ng ma-discharge o lumabas sa hospital ang kaniyang ina na si dating First Lady Imelda Marcos, matapos ma confine dahil sa pneumonia at lagnat.
Sa panayam kay Pang. Marcos kaniyang sinabi na pagaling nang pagaling ang kaniyang nanay.
Sinabi ng Pangulo na nais ng umuwi ng kaniyang ina at “in good spirit ang dating unang ginang.
Magugunita na pinayuhan ng kaniyang mga doktor ang dating unang ginang na magpahinga muna sa hospital hanggang sa makumpleto nito ang iniinom na antibiotics na inirekumenda sa kaniya.
Si dating First Lady Marcos ay 95-anyos na.
“Pagaling na nang pagaling. She’s scheduled to come out, I think, Thursday,” pahayag ng Pang. Marcos sa mga reporters sa Germany.