-- Advertisements --
Hindi umano lingid sa kaalaman ni dating Health Secretary Esperanza Cabral na ginagawa naman ng pamahalaan ang lahat ng kanilang makakaya upang kontrolin ang pagkalat ng coronavirus sa bansa.
Subalit ayon kay Cabral ay kailangang bilisan at palawakin pa ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para sa ikabubuti ng lahat ngayong may health crisis.
Tanging mayayaman lang daw kasi ang nakakasunod sa mga patakarang pinaiiral ng gobyerno kontra COVID-19, dahil din dito ay tila napag-iiwanan ang mga mahhihirap lalo na pagdating sa pagsusuot ng facemask.
Una nang kinumpirma ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kanilang balak na mamigay ng nasa 20 milyong mask para sa mahihirap nating mga kababayan.